Lambing ni Inang Kalikasan

Posted on Setyembre 18, 2010

10


Unang pagsubok kong sumali sa ganitong patimpalak. Ang makisaya at maki-isa sa ibang blogista ay gamot sa pangungulila para sa akin at makakatulong ito para sanayin ang sarili ko na matotohan ang iba pang paraan ng pagsusulat. Salamat sa inyong pagbisita. 

Dulot ng Pagmimina

Saranggola 150x150 http://www.saranggolablogawards.com/

‘Di maipagkakaila na ako’y masaktan

Na makitang dinudurog ang kagubatan

Walang habag na winawasak ang kagandahan

Ng mga taong nagnanasa’t uhaw sa aking yaman…

‘Di sila titigil hangga’t ‘di makita ang ginto

O ang pagdaloy ng malapot kong dugo

At mawasak ang aking sinapupunan

Na tahanan ng mga nilikha ni Bathala!

 Kapangyarihan ng Pera

 

Sa tuwing may sakuna

Laging sinisisi ay si Bathala…

Ang kalbuhin ang kagubatan

Iyon ba ay utos ng Maylikha?

‘Di ba ito’y bunga ng kapangyarihan

Ng pera – diyos ng sangkatauhan! 

Tao, Magbago Ka

 

saranggola blog awards dmci homeshttp://www.dmcihomes.com/

Masarap mabuhay…

Paggising mo sa umaga

Ay malaya mong lalanghapin

Ang halimuyak ng kabukiran

Malaya mong tatanawin

Ang kulay berdeng mga dahon

Bigay nila’y buhay at pag-asa

Malaya mong lalanguyin at sisisirin

Ang malawak at malalim na karagatan

At malaya kang mamumuhay

Sa kandungan ni Inang Kalikasan na masaya!

Digg This
Advertisements